Entries for April, 2004
April 5th, 2004
penitensya
holy week na. isang linggo na lang, papasok na naman ako.
hay.
hindi ko pa naeenjoy, papasok na naman.
sana naka-B ako sa fil104. gusto ko talaga sanang tapusin ang minor ko. hay.
hindi talaga ako kakain ng meat sa friday, promise. kahit na ikamatay ko. hehe. ready na ako, bumili na ako ng century tuna.
Posted by sadomasochist at 08:53 PM |
April 7th, 2004
holy wednesday
naiyak ka na ba ng sobra na wala ng luhang tumutulo pero umiiyak ka pa rin?
masakit pala.
ohwell. there's a first time for everything.
Posted by sadomasochist at 11:38 PM |
April 10th, 2004
good friday
i confessed yesterday. actually i didn't feel like going, but my tita made me.
cathy:
hindi ba masama yun kung hindi naman bukal sa loob mo yung paghingi mo ng tawad?
pero pumila na rin ako. pagkaharap ko sa pari, naluha ako. oo, kaharap yung pari kasi hindi confessional booth. me dalawang upuan lang at nasa isang wing ng antipolo cathedral kaya sandamakmak ang tao sa paligid na maaring makarinig ng mga kasalanan mo.
kumain ako ng isda ngayon. daing na bangus. actually yung lunch at dinner ko. nilunod ko na lang sa calamansi para di malansa. plus, ang merienda ko, tuna sandwich! odiba.
im proud! nakasurvive ako ng walang meat!
good friday.
thanks papa jesus for your love.
Posted by sadomasochist at 01:40 AM |
April 14th, 2004
yun na lang.
pag-uwi ko kahapon galing sa big r, nagkwentuhan kami ni tito alex habang nanonood kila rodney magswimming.
tito alex: kumusta na si pogi?
cathy: heheh. okay naman po, nasa trabaho.
tito alex: mukhang mabait yon. mabait yon no?
cathy: heheh. opo, mabait naman po. natitiis ako.
tito alex: kung ako ang tatanungin mo anak, yun na lang. yun na lang.
wala akong masabi. i was blown away. one is because it was tito alex speaking and two, he rarely makes comments like this.
Posted by sadomasochist at 07:11 PM |
April 19th, 2004
si donna cruz at ang hacker
sharamdana shamdana
sharamdana shamdana
wooohh...
patay ako. napansin na niya. hahaha. not my fault, she challenged me.
i just had to show her who's boss. or maybe im just too mean.
whatever.
sharamdana shamdana
sharamdana shamdana
wooohh...
Posted by sadomasochist at 04:51 PM |
April 22nd, 2004
:c
feeling ni paulo nagbabago na ako. feeling daw niya nagsasawa na ako sa kanya.
hay. kasalanan ko rin siguro, nagkulang ako.
pero sana lang alam niya na kahit mga pangarap ko, ipagpapalit ko para sa kanya.
Posted by sadomasochist at 07:46 AM |
April 23rd, 2004
swimming tayo!
pagdungaw ko sa bintana kanina, nililinis yung swimming pool. parang gusto ko nang tumalon. pero wala akong kasama magbabad.
sige na nga, aaminin ko na. naiinggit ako sa mga kapatid ko. nasa states sila bebe at rodney ngayon. magkakasama sila nila kuya at mamsi. lahat sila. ako lang ang nandito. nandito, naiinitan. nagbabasa ng sandamakmak na readings.
walang makausap pagkauwi dahil nasa trabaho si paulo.
di minsang sumagi sa isip ko na sana sumama na lang ako. puede naman eh. pero hindi ko lang maitutuloy ang minor ko. sana sumama na lang ako. sana hindi kami nagkagulo ni paulo.
ang hirap mag-isa.
pero okay lang. di ko puedeng iwan si tita fe dito mag-isa. minsan kapag naiinis na ako naiisip ko, pano kung siya yung nainis at sumuko at umalis? nasan na kaya ako?
hay. pinagpala talaga ako. hindi man sa babaing lahat, pero pinagpala pa rin ako.
tama na nga yan! swimming na tayo!
Posted by sadomasochist at 05:58 PM |
April 26th, 2004
eto, chikka.
nalilito na ako.
hindi ko alam kung maghihintay na lang ba ako ng pasya niya o ako na mismo ang magpapasya.
ayokong malito.
ayokong magkamali.
Posted by sadomasochist at 09:46 PM |
April 28th, 2004
ikaw, oo ikaw. pero di mo naman to mababasa.
kanina pa kita hinihintay. mukhang misyon mo na yatang kalimutan ako. dahil ba hindi puede? dahil ba mahirap? o dahil ba nag-iilusyon lang ako na mayroon ka ring nararamdaman? kanina pa kita hinihintay, kahit alam kong hindi dapat. kutob ko na ring hindi ka darating.
Posted by sadomasochist at 04:41 PM |
April 29th, 2004
ano daw?
ako yata ang dapat kumanta nung,
"paano mapipigil ang isang damdamin
kung ang sinisigaw,
ikaw ang lahat sa akin...
at kung hindi ngayon ang panahon
upang ikaw ay mahalin,
bukas na walang hanggan...
AKO'Y MAGHIHINTAY PA RIN."
sabi nga sa Love Actually, "without hope or agenda, i will love you..."
Posted by sadomasochist at 04:26 PM as a favorite post |
May 1st, 2004
pagsisisi?
he said this at 12:01 am today.
paulo: im requesting one thing..im gona say goodbye na and i dont want u to feel your presence anymore.. wag ka na magparamdam.. i will tell my family that wer through.. i love you so much.. i have learned a lot from you.. goodbye..
hindi ko na alam kung paano sisimulan ulit ang buhay ko. kagaya ng nasabi ko dati, nitong nakaraang taon naging mahalski na ako. pero parang naaaninag ko na si cathy, gustong bumalik.
hindi ko alam kung ako pa ba ito o multo na lang.
hindi ko alam kung kakayanin ko bang magsimula sa wala.
hindi ko na alam.
Posted by sadomasochist at 12:15 AM |