cathy starfish

Entries for May, 2004

May 2nd, 2004

salamat.

nabusog ang puso ko sa mga kaibigan kong laging nandiyan.

kami pa rin ni paulo. pero magulo. at malabo. bawat minuto nagbabago.

hindi ko na rin alam kung ano ang gusto kong mangyari.

pagod na ata ako mag-isip. pagod na akong matulala sa paghahanap ng mga sagot na hindi ko naman mahanap.

bahala na si God. ibibigay ko na lang sa kanya lahat.

Posted by sadomasochist at 07:44 PM | 1 na ang humirit.

May 3rd, 2004

muntik nang maabot ang langit at ngayon ay torete.

ang langit sa'yong puso,
muntik nang mailapit
ngunit ikaw na ngayo'y
alaalang kay pait.

...

akala ko nung una
may bukas ang ganito.
mabuti pang umiwas
pero salamat na rin at nagtagpo.

Posted by sadomasochist at 05:51 PM | me sasabihin ka?

May 7th, 2004

steady pulso

steady lang ako dito, sana ikaw rin.

sige, sabi mo eh. steady lang rin ako.

Posted by sadomasochist at 01:16 PM | 3 na ang humirit.

May 9th, 2004

konklusyon

let me just tell you that you are one fine girl and i like your sense of empowerment and independence. i admire you for knowing when to keep out and when to budge in.

pag nagtugma ang kairos at chronos, malay natin.

tama, hanggang dun na lang muna tayo.

Posted by sadomasochist at 03:41 PM | 2 na ang humirit.

May 11th, 2004

epilogue

Soñé acerca de usted otra vez.

yo amor lo que yo no tengo. usted es tan lejos.

Posted by sadomasochist at 11:08 AM as a favorite post | 4 na ang humirit.

May 12th, 2004

NAMFRELing

volunteering for namfrel was fun. talaga! nakakapagod lang kasi kinailangan namin na tumalon-talon sa mga presinto dahil lima lang kami at 34 na presinto ang dapat naming bantayan at kuhaan ng electoral returns.

pero kahit lima lang kami, taob sila samin. sabi nga nung isang mamang kumakain sa may fishball stand:

ang gaganda pala ng mga taga-quickcount no? pang-modelo.

shempre pa nandun kasi si eira. lahat napapalingon talaga. hehe.

salamat nga pala kina aisa, eira, elga, maan, at mackie! ang titiyaga niyo kids! hehe. masuwerte ako at kayo ang nakasama ko sa pagpapawis sa immaculate. at masuwerte rin sila sa atin!

...

sari-saring tao talaga ang makakasalamuha mo. me mga masusungit, meron namang mababait. me BEI na parang lola mo, ang sweet at gentle. meron naman mabagsik. yung isa pa nga, ayaw magsimula magbilang hangga't di tapos yung kahati niya sa kwarto. maingay raw. natural!

at siyempre hindi mawawala ang mga bloopers at patawa. si jack, pollwatcher. bungal. mukhang college student din. bored na rin siguro sa pakikinig sa pagtawag ng mga pangalan ng mga kandidato kaya nakipagkuwentuhan na lang sakin.

jack: ah, hi catherine. (nakita sa namfrel ID ang pangalan ko.) anong pangalan mo?
cathy: ah, cathy.
jack: ah talaga. san kayo galing?
cathy: namfrel volunteers kami.
jack: edi galing kayong la salle?
cathy: hindi, sa ateneo kami. under kami ng district four.
jack: so atenista kayo. ako nga taga-UP eh. University of Pangasinan.

sabay tawa ng malakas. sige, ngiti na lang ako. kawawa naman eh.

jack: so anong course mo?
cathy: comtech
jack: ah talaga? ako VTECH eh!

sabay tawa na naman siya.

jack: me friendster ka ba?
cathy: wala eh, nag-quit na ako.
jack: ako meron, me 200+ friends na nga ako eh. at lahat sila kilala ko! hehehe.
cathy: ah talaga. (ladidadida.. kelan ba matatapos to?)

marami pa siyang sinabi. basta tatanungin niya ako ng kung anu-ano tapos sasagot siya ng patawa. korni, pero sige na nga.

Posted by sadomasochist at 01:07 PM | 2 na ang humirit.

May 13th, 2004

incubus song na napulot kay rax.

to know you feel the same as i do is a three-fold utopian dream.

you do something to me that i can't explain. so would i be out of line if i said i miss you?

i know i'll see you again, whether far or soon. but i need you to know that i care and, i miss you.

Posted by sadomasochist at 01:53 PM | 2 na ang humirit.

May 17th, 2004

MA na si Jope!

text conversation jope: Cathy MA na ko! cathy: wow! congrats! nasa school ka pa? batiin kita ng personal! jope: wala na, im on my way home. i'll see you in june, ok? cathy: orayty! congrats ulet! natutuwa ako para sayo. ingat po! ... hay salamat. MA na siya! magtuturo pa siya next sem! makikita ko pa siya! wahoo! congrats sa idol kong luv ko. heheh. ... il see you in june, ok? you bet!

Posted by sadomasochist at 05:50 PM | 2 na ang humirit.

May 18th, 2004

tanaga

sasabihin na sana
na mahal kita sinta.
kung di mo lang pinuna
na kapwa tayo eba.

...

this was my first poem for poetry class. my teacher liked it. masiste daw. naks.

i can't seem to write anything as tight as this first one. ang dami kong gustong tulain, di ko lang maitula ng maigi.

ang hirap pala. habang natututunan ko ng mabuti kung ano ang nagpapaganda sa tula, mas napipigilan ako. tsk tsk.

...

btw, dahil sa tanagang ito, tinukso nila ako sa poetry writing class na "eba."

niloloko nila kong lesbiana. hehe.

ayos lang sila? ako pa?

Posted by sadomasochist at 01:09 PM | 4 na ang humirit.

May 20th, 2004

in vostra assenza

it is in the mere glances of you
that i become alive.
lately i find myself gasping
for air
like a fish left out
in the dry.

Posted by sadomasochist at 02:33 PM | 1 na ang humirit.

May 21st, 2004

zikomo.blogspot.com

pau and i broke up for the nth time tonight. it has been a tough week, really. one minute we're okay, the next minute we're crying, shouting at each other, threatening to break up. and then we'll say we're sorry and try to be happy again.

when will it ever end? and how?

...

i was going through my old blog in blogger, and i must say that i miss my old life. i miss the excitement, the uncertainty, the absurdity and stupidity of it. now everything is predictable in my life.

...

kung ayaw mo, wag mo.

tama si migs. mali yung kanta. hindi ganun kadali lahat.

Posted by sadomasochist at 10:00 PM | 4 na ang humirit.

May 24th, 2004

ukay-ukay

Sabi ni tatay dumating na ang panahon
para binyagan ako
sa ukay-ukay.

Sa kahabaan ng Quezon Ave kami naghanap
ng maiikling palda at ispageti strap.
Magaganda na rin kahit paano,
Kahit di gawang Amerikano.

Kahit daw amoy hipon,
sa kaunting hugas at sabon
puede na ulit
kahit marami nang gumamit.

Ang di alam ni ama,
hindi ko trip ang palda.
Ang gusto ko, lonta.

...

rush rush poem for poetry class kanina. i know there's room for revision, later when i have the time. and just so you know, the persona is male. that should give you enough clue as to what's happening in the poem.

Posted by sadomasochist at 07:32 PM | 3 na ang humirit.

May 29th, 2004

happy happy!

one year today.

my longest relationship so far.

we're going swimmin! wahoo!

...

summer's finally over for me, finished my malikhaing pagsulat: tula final paper. my first poetry collection. naks.

school starts in two weeks. na naman!

Posted by sadomasochist at 12:39 AM | 2 na ang humirit.

May 30th, 2004

R & R

just came home from the spa. we tried the one in marikina. it was okay and prices were cheap. 400 bucks for jacuzzi, sauna and an hour of swedish/shiatsu massage. not bad.
...

pau and i spent our first year together swimming in westin. his family was there. watched the sunset too. then we ate at chateau 1771.

it was almost perfect, except for a minor misunderstanding. we were able to fix it naman. hay. grabe.
...

the ccp grounds was visible in the veranda of their room in westin. had we stayed there, we could've watched it for free. hehe. joke.
...

can't believe i don't have any school stuff to do for tomorrow. hay. sarap.
...

i don't know why pero sobrang natutuwa ako kay allan pineda aka apl.de.ap. luv niya ang pinas. sabi nga niya, "im proud to be pinoy."

dapat talaga sa kanya ibigay ang media attention na binibigay kay jasmine trias, na hindi man lang nabanggit kahit minsan na pinoy siya. di naman magaling. harumpf.

nay mashadong apektado. hehe. basta luv ko na si apl at ang black eyed peas.

Posted by sadomasochist at 06:13 PM | 5 na ang humirit.

site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links