cathy starfish

Entries for September, 2004

September 1st, 2004

WATCH! WATCH!



please find time to watch THE WIZ! sa mga prenships ko, bilis na, nood kayo ha. ako ang production manager, at sobrang nastress ako dito so sana manood kayo. hehe.

ang hindi manood, panget.

Posted by sadomasochist at 08:33 AM | 1 na ang humirit.

September 3rd, 2004

drama lang to. wag mo nang basahin.

binalak kong isulat ito sa isang tula. pero ayoko yatang gamitin ang emosyon na ito para lang makagawa ng isang bagong tula. mas mabuti sigurong kausapin na lang kita. dito na lang, dahil sabi mo nga hayaan muna kita.

nahihirapan ako na nahihirapan ka. nasasaktan ako dahil alam kong nasasaktan ka rin. hindi ko na naiintindihan kung bakit nararamdaman ko rin ang lungkot mo kahit na hindi naman iyon akin. siguro dahil mahal kita. hindi, oo. tama. dahil mahal kita.

kung mapapawi lang ng mga luha ko ang lahat ng nagpapahirap sa'yo, iiyak ako hanggang umaga. hanggang maubos na.

sinabi mo rin na hayaan lang kitang daanan ito, ng mag-isa. parang gusto kong umayaw. parang gusto kong sabihin na hindi puede, hindi dapat, diba partners tayo? hindi kita puedeng iwan, lalo na sa mga panahong ganito. ayaw kitang iwan dahil baka tuluyan kang mawala. pero dahil hiniling mo, ibibigay ko.

ganoon nga siguro talaga. kapag yung mahal mo ang nasasaktan o nahihirapan, doble ang sakit sa'yo. lalo pa kung wala kang magawa. lalo pa kung alam mong bahagi ka ng dahilan.

sana maging masaya ka na ulit. sana maging masaya na tayo ulit. pero hanggang dumating ang panahon na iyon, siguro hindi ko mapipigil ang paminsan-minsang maluha. dahil hindi kita mapatahan.

Posted by sadomasochist at 12:35 AM | 1 na ang humirit.

September 9th, 2004

langit, lupa, impiyerno?

i thought i was gonna die today.

i had two death-related dreams kanina. the first one, there was a man asking me to go with him. buti nagising ako. lumipat ako sa room ko (i sleep in my tita's room), hoping na wala nang bad dreams kasi antok na antok pa ako. pero nanaginip na naman ako. ikot daw ako ng ikot sa isang sementeryo, hanap ng hanap sa daan palabas pero kahit saan ako dumaan bumabalik lang ako dun sa isang parte ng sementeryo na walang grass, puro lupa.

buti na lang nagising ulit ako. pero sobrang takot ko na. kadalasan pag umaga ang bagal ko kumilos kasi nanonood pa ko ng tv o kaya antok pa. pero kanina ang bilis kong nakapagbihis. parang naluluha ako na ewan, hindi makapagsalita. parang gusto kong ikwento, pero parang ayoko dahil baka maging affirmation.

potah, todo kaba ako. nagdasal ako, tinanong ko kay God kung time's up na ba ako. ang paranoid, pero totoong takot talaga yung naramdaman ko. naiiyak na ako pero ayokong umiyak. tangina, iba yung pakiramdam kapag akala mo mamamatay ka na. parang gusto kong magwala, parang gusto kong magsumbong kahit kanino, pero parang napipi ako.

pumasok ako sa kwarto ni tita para kumuha ng cottonbuds. tapos sinabi niya sa akin "naaalala mo pa ba si tatang aba? yung lolo mo na pinuntahan natin yung bahay (nung May lang)? he fell on the stairs and died this morning."

i was shocked. nakatitig lang ako sa tita ko. but i have to admit, i felt relief. akala ko ako na talaga. selfish pero nauna yung thought na yun, na shet hindi pa ako, bago nag-sink in na namatay nga pala ang lolo ko.

andaming tanong sa isip ko habang nagmamaneho ako papuntang school. lolo ko ba yung lalaki sa panaginip ko? bakit niya ako sinasama? hindi naman kami close. hindi ko nga alam kung kilala pa niya ako. ano kayang nangyari kung sumama ako? mamatay na nga kaya ako? pano kung mabangga ako ngayon? mamimiss kaya nila ako? nagawa ko na ba lahat ng kailangan kong gawin? handa na ba ako?


...

hindi ko na inisip pagdating ko sa school. actually, nakalimutan ko na. pero nung nag-open up si elga, namatay rin pala ang lola niya. nakuwento ko tuloy. naluha na naman ako. sabi niya buti hindi ako sumama.

kinuwento ko rin kay jope nung nagmerienda kami. pero hindi na ako malungkot nun. parang pakiramdam ko kampante na ako. sabi niya, salamat at hindi ako sumama. kung hindi baka iba na ang wednesday niya.

shet. buti nga hindi ako sumama. pano kaya kung sumama ako? pano kung yayain ako ulit mamaya pagtulog ko? tangina. takutin ba ang sarili? tama na nga ito.

basta. pramis. hindi ako aalis ng hindi nagpapaalam.

Posted by sadomasochist at 12:05 AM | 11 na ang humirit.

blackmail!

sabi ni rache ipopost niya ang buong pic kapag hindi ko ito pinost dito kaya kahit nahihiya ako...





eto ang secret ingredient nung icemonster wannabe na tinitinda sa quad. brown sperms na parang grapes na walang lasa kapag kinagat mo.

oo na, malaki na ang gilagid ko. maganda naman ngipin ko ah. heheh. tama na ang kakatawa. uupakan na kita. gusto mong maging ganito ?

Posted by sadomasochist at 12:37 AM | 4 na ang humirit.

September 12th, 2004

huwaw.

habang sinusulat ko yung part ko para sa theo report namin nanonood ako ng MTV videomusicawards.

ang olats ng duet ni chaka kahn at kanye west.

nanalo si alicia keys ng best R&B video!

puede na yung duet ni christina aguilera at nelly.

nanalo OUTKAST!

at ang pinakahihintay ko, kumanta na nga si alicia keys. ang laki ng glasses niya, reminds me of stevie wonder sabi ko pa sa isip ko. tapos.. POCHA! biglang nag-spotlight kay stevie wonder! shet! two of my most favoritest artists are in the same stage. at hindi doon natapos ang orgasmic musical experience ko. get this: lenny kravitz, the sexiest man alive, is ripping the electric guitar. shiyet. hindi pa nakuntento ang MTV sa 2 most favoritest, ginawa pa nilang 3 most favoritest artists ko. si erykah baduh na lang ang kulang hihimatayin na ako. shiyet talaga.

nakanganga lang ako the whole time.

badtrip hindi ko narecord.

...

dahil parang totoo nga yung kay rache at migs, sinubukan ko na rin.






find your element
at mutedfaith.com.



hmmm.

Posted by sadomasochist at 11:46 PM | 6 na ang humirit.

September 14th, 2004

text

0920502****:

iniba mo ang buhay ko. mahal kita hindi dahil nandiyan ka, nandiyan ka at nandito ako dahil mahal kata.

Posted by sadomasochist at 11:34 PM | 2 na ang humirit.

September 19th, 2004

it ain't over til it's over

last show ng THE WIZ kagabi. strike set kanina. one word: pagod. ang konti ng taong pumunta para tumulong. (salamat nga pala: doble, vica, enzo, mike, sweet, pia, rod, at kay manong!) buti na lang naayos na namin ni enzo yung dressing room kagabi kaya kanina set na lang talaga ang giniba namin at shempre ang pagwawalis and all.

i can't say im not happy it's over, cos i am. well, happy that the stress is over. pero weird, after the show i didn't really feel anything. not like when it was the last run of Into the Woods, elga and i were teary-eyed talaga. siguro it's because it was our first production with Bluerep. or siguro im too caught up worrying about the stuff that has to be done kaya i have no time to be sentimental about it.

tapos na ang The Wiz. sabi ko pa naman after nito pahinga muna ako. aral na lang muna, lalo na overload pa ko next sem to finish my fil lit minior. pero iba yata talaga ang plano ni God.

im line producing Merrily We Roll Along.

pocha, im scared and nervous and excited. i have never produced anything ever, i don't even know what a producer does. super pressure! and it doesn't help that this will be, as Franco and Enzo said, the biggest production BlueRep has ever dared venture into.

shet! kaya ko to. kaya ko to. diba? kaya ko to. haaaa!


anyhoo, peechors from lastnyt. got em from jepoy.


Gabs, moi, and Jepoy


the wiz cast

Posted by sadomasochist at 11:20 PM | me sasabihin ka?

September 21st, 2004

addict

we don't play that game anymore but, can we still be friends? hell yeah.

paulo (hubalde, not mercado) texted me this afternoon, asked me where i was and said he is in antipolo. told him i was home, so he came by. we talked by the pool, kuentuhan, onting reminiscing. ganda ng fone niya. libre daw galing sa addict mobile. endorser kasi siya.

masaya ako na after all ng nangyari sa amin, we manage to not only be decent to each other, but be genuine friends. and although there might still be something, i believe that we both know where we stand. happy na ako, happy na siya.

while we were reminiscing kanina, humirit siya, "ikaw kasi eh, iniwan mo ako. hindi lang once, hindi lang twice. four times ata!"

hahaha. pahnee. he used to say that na mejo bitter, but now, pa-joke na lang. im happy he's still there. hindi niya ako iniwan sa ere kahit na ilang beses ko rin siyang nasaktan. he's there, kahit na platonic na lang. sabi nga niya, we could have been great together. siguro nga. pero we are both happy where we are, and we're perfectly fine being friends.

kung sino mang nagsabi na ex-lovers can't be friends, para sayo to.

Posted by sadomasochist at 07:42 PM | 9 na ang humirit.

September 25th, 2004

never again.

im never hosting a bluerep party ever again. damn. i love bluereppers but damn, they can be noisy. and it won't be complete without people singing and the shrieks and extremely loud laughter every 10 seconds.

my tita called me twice, and scolded me the second time she went down.

"the neighbors have been calling. this would be the last," she said.

hell, this really would be the last. i'd rather go to someone else's place and party there without worrying about food, or drinks, or if they're having a good time, or if the neighbors are cursing me to high heavens because they cannot sleep.

ang ingay talaga nila, mehn. as in. imagine around 40 people talking all at the same time. ganun. walang exagg yun. potah talaga. pero kahit na ganun, luv ko sila. kung di ko ba naman sila luv, maghuhugas ba ako ng pinggan, baso, at kubyertos? mag-aayos ba ako ng mga upuan, mag-luluto ba ako ng barbecue? hinde! kakain na lang ako sa labas! hehe.

pero okay na rin. daming nagpasalamat at nagsabing nag-enjoy sila. great party daw. naks. okay na yun. sana lang hindi ako sinumpa ng mga kapitbahay kong napuyat at narindi sa ingay namin.

sabi nga ni rache, "you're theatre people. i don't expect anything less."

sana si rache na lang yung tita ko, para hindi ako patay bukas. bahala na. osiya, gudnayt sayo.

Posted by sadomasochist at 02:33 AM | 8 na ang humirit.

September 28th, 2004

walang ulitan!

june
27 - cibo

july
1 - bento box
5 - grilla
11 - steaktown
12 - KFC
14 - chateau verde
16 - max's
18 - causeway
21 - chocolate kiss
22 - world topps
25 - aveneto
26 - tapika
29 - cafe mediterranean
31 - chowking

august
4 - shakey's
5 - pancake house
8 - chateau 1771
11 - mang jimmy's
12 - chicken bacolod
15 - bon appetit
17 - tropical hut
18 - the old spaghetti house
19 - dayrit's/cinnabon/hotshots
20 - new kamameshi
26 - edsa shangri-la plaza lobby

september
1 - chicken place
4 - yellow cab
5 - cheesecake, etc./cafe adriatico
12 - don henrico's
13 - tokyo tokyo
16 - jollibee
20 - gabino's
22 - wok dis way
26 - leonardo's
27 - gloria maris


after three months, wala pa kaming nauulit na restaurant. galeng no?

para sa updated version

Posted by sadomasochist at 01:15 AM | 3 na ang humirit.

site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links